MGA KADALASANG TANONG2024-09-04T17:15:15+07:00
MGA KADALASANG TANONG

F.A.Q.

Ano ang Ascenda Minivator?2024-09-05T10:25:31+07:00

Ang Ascenda Minivator ay isang shaftless elevator na may disenyo na para sa mga dalawang palapag na tahanan. Maliit lang ang sakop nito na puwesto, ligtas, kumpleto at maraming pagpipilian na batay sa katangiang pangpamantayan tulad ng pangbulwagang pintuan na otomatiko, natutupi na upuan at dual na kontrol.

Paano tumatakbo ang Ascenda?2024-09-05T10:24:55+07:00

Ang Ascenda ay isang screw-driven elevator, ang ibig-sabihin ito ay laging naka kabit sa toughened steel screw na nakakonekta sa nut. At habang umiikot ang nut, iginagalaw nito ang elevator cabin pataas o pababa. Ang teknolohiya na ito ay may kalamangan na hindi nito kailangan ng anumang hukay, hindi kailangan ng kwarto o espasyo para sa makinarya habang ito ay sobrang tahimik at hindi malaki ang espasyo na sakop.

Gaano kalaking espasyo ang kailangan?2024-09-05T10:24:18+07:00

Mahahanap mo ang lahat ng sukat sa Sukat at Instalasyon na bahagi. Ang aming pinaka maliit na Ascenda ay kailangan lamang ng mas mababa sa 0.91 sqm!

Saan ko maaring i-install ang Ascenda?2024-09-05T10:23:27+07:00

Halos kahit saan sa loob ng iyong bahay! Salungat sa pader, sa lapag, sa loob ng kabinet o pati sa nakaabang na mga pwesto – Ang aming Ascenda ay sobrang pleksible.

Maari ko bang gamitin ang Ascenda sa gabi?2024-09-05T10:22:45+07:00

Ang Ascenda ay naka disenyo para magamit 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, at pag gabi, ito ay umiilaw sa loob ng cabin sa may spotlight na nasa kisameng salamin. Para sa karagdagang impormasyon, may katangian itong ilaw na tumatakbo sa buong kahabaan ng shaft, iniilawan ang pupuntahang lugar na parehong may babala sa ibang mga miyembro ng bahay ang pagdating ng elevator, at nagbibigay ng ilaw kapag palabas ng elevator.

Anong mangyayari kapag nawalan ng kuryente?2024-09-09T15:17:28+07:00

Ang Ascenda ay magpapalit sa Back-up Battery Mode. Sa pamamagitan ng pagpindot sa kahit anong pindutan, ang baterya ay gagana para dalhin ang elebeytor papunta sa ilalim na palapag, sa puntong iyon bubukas ang pinto para makalabas ang mga sakay ng ligtas.

Ang Ascenda Ba Ay Wheelchair-Friendly2024-09-09T15:18:30+07:00

Ang L at XL na sukat ay parehong nagagamit sa upuang de gulong. Ang L na sukat ay perpekto para sa mga magaan na upuang de gulong, samantala ang XL ay kaya ang kahit na anong upuang de gulong dahil sa malaki nitong sakop na 850 x 1250 mm. At hindi ito nagtatapos doon – salamat sa kontrol para sa barandilya, ang mga gumagamit ng upuang de gulong ay mararanasan na ang paggalaw ng pataas at pababa sa Ascenda ay madali dahil ang mga pindutan ay sobrang madaling paganahin.

Ano mangyayari kung may taong nakatayo sa hatch habang ang Ascenda ay papunta sa taas? Paano naman kung may taong nasa baba at ang Ascenda ay papunta sa baba?2024-09-05T10:09:31+07:00

Dito mapupunta ang lahat ng safety systems ng Ascenda. Kung mayroong mas mataas sa 9 kg na nasa hatch, ang Ascenda minivator ay titigil, at makakagalaw lamang pababa (papunta sa pinakailalim na palapag) hanggang ang gamit o tao ay natanggal na sa hatch. Tulad nito, kung ang Ascenda ay pababa at ang ibabang safety pan ay may nadikitang tao o bagay, ang elevator ay kusang titigil at makakagalaw lamang pataas hanggang sa mawala ang nakaharang.

Maari ba ma-install sa Labas ng bahay?2024-09-09T15:22:43+07:00

Sa kasamaang palad, Ang Ascenda ay hindi maaring magamit panglabas, at ang paggamit nito ay limitado

Paano naman ang Fixing Points?2024-09-05T10:10:55+07:00

Nilalagay namin ang Ascenda sa tatlong punto: sa sahig, sa slab o biga ng sahig, at isa sa itaas na bahagi. Maari kang magtanong sa iyong Ascenda Certified Technician para sa iba pang detalye tulad nito, kahit sa mahirap na sitwasyon, mayroon kaming pleksible na solusyon katulad ng humahabang guiderails.

Paano naman ang gawaing pangkonstruksyon?2024-09-05T10:11:33+07:00

Ang kailangan na gawaing pangkonstruksyon ay kakaunti lamang, at kadalasan ay nangangailangan lamang ng paglagay ng tamang sukat na butas sa sahig o paglagay ng harang.

Ano ang kinakailangang boltahe ng kuryente?2024-09-09T15:23:29+07:00

Ang Ascenda ay tumatakbo sa 1 phase power, ibig-sabihin ay kaya nitong umandar sa kahit anong normal na pinagmumulan ng kuryente sa loob ng bahay.

Ligtas bang gamitin ang Ascenda?2024-09-05T10:13:24+07:00

Ang Ascenda ay sertipikado ayon sa parehong pamantayang pangkaligtasan na pang-Estados Unidos (ASME 17.1 Section 5.3) at pang-Europeo (EN81-41 na may parte ng EN81-20), na ginagawa itong pinakaligtas na elevators na nasa merkado. May kasama rin itong katangiang pangkaligtasan katulad ng pangkaligtasan na sensor sa lapag, hatch at cabin na bubong, madaliang paghinto, dalawang paraan na naka konekta sa telepono na may pasabi kapag may kaso na nagloko, reserbang baterya at marami pa!

Ano ang ibig sabihin ng “Full Options”?2024-09-09T15:25:22+07:00

Sa industy ng mga pangtahanang elevator, ang tradisyonal na modelong pangnegosyo ay nag-aalok ng mura, pinakasimpleng elevator at mataas na presyo para sa iba pang pagpipilian. Sa Ascenda, naniniwala kami na ang bawat tahanan ay nararapat na may pinakamahusay na elevator, at ito ang ginawa naming pamantayan para ihandog ang mga pangunahing katangian ng isang elevator. Salamin na mast? Kasama. Pangbulwagang pintuan na otomatiko? Kasama. Dual na kontrol? Kasama. walang pasimpleng upsell, walang daya na karagdagang bayarin – kay Ascenda, ang aming elevator ay full options tulad ng standard!

MAY GUSTO KA PANG MALAMAN?

MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN

Go to Top